Isa sa mga reklamong illegal possession of firearms at explosives laban kay Cong. Teves, isinailalim sa preliminary investigation ng DOJ
Sinimulan na ng DOJ ang pagdinig sa isa sa mga reklamong illegal possession of firearms at illegal possession of explosives laban kay Congressman Arnolfo Teves Jr.
Dumalo sa pagdinig ang complainant na PNP-CIDG at ang mga abogado ni Teves at ng kapwa respondent nito na si Jose Gimarangan.
Ang mga reklamo ay nag-ugat sa raid ng pulisya sa mga bahay nina Teves at Gimarangan.
Sa pagdinig, binigyan ng DOJ prosecutors ang CIDG ng hanggang Marso 29 para magsumite ng karagdagang ebidensya.
May hanggang April 14 naman ang kampo nina Teves at Gimarangan para maghain ng kanilang kontra-salaysay.
Moira Encina
Please follow and like us: