Isa sa mga umano’y bomb expert ng Abu Sayyaf Group, patay sa police operation sa Basilan

Napatay sa police operation sa Basilan ang isa sa pinagkakatiwalaang tagagawa ng bomba ng pumanaw na Abu Sayyaf Group Sub Leader na si Furuji Indama.

Kinilala ni PNP Chief General Guillermo Eleazar ang suspect na si Aroy Ittot alias Oroy, na nasa Top priority target ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region.

Sa report ni PNP Intelligence Group Director Police Brig. General Warren Ferrer De Leon, isisilbi sana ng pinagsanib na puwersa ng Basilan at Sulu PNP at CIDG ang warrant of arrest kay Oroy para sa kaso nitong murder pero nagpaputok ito ng baril sa arresting team gamit ang M-16 rifle.

Gumanti ng putok ang mga otoridad na naging sanhi ng pagkamatay nito.

Narekober sa suspect ang isnag unit ng M16 rifle, isang M14 rifle, apat na magazine ng M16 rifle, limang M14 magazine, apat na grenade rifle, tatlong grenade rifle, 1.5 Liters ANFO na pinaniniwalaang kasama sa IED components; isang M16 spent cartridge case; Bandoliers; at Cellphones.

Ayon sa PNP, sangkot ang suspect sa roadside bombing na nangyari sa Tuburan, Basilan noong 2018 na tinarget ang convoy ni Mayor Durie Kalahal .

Kasama rin si Oroy sa harassment incident na bumiktima sa grupo ni Mayor Ibrahim Ballaho habang nagsasagawa ng community service sa Tuburan.

Sangkot din ito sa insidente ng panununog sa sasakyan at IED attack sa Lamitan city at marami pang roadside bombing sa lalawigan.

 

Please follow and like us: