Isa sa sampung mamamayan ng Japan, lampas 80 na ang edad

AFP PHOTO / BEHROUZ MEHRI

Lumitaw sa isang bagong opisyal na data, na sa unang pagkakataon, ay mahigit sa 10 porsiyento ng mga mamamayang Hapones ang lumampas na sa edad na 80.

Batay sa government data na inilabas bago ang “Respect for Aged Day” national holiday ngayong Lunes, tumaas sa 29.1 percent mula sa 29.0 percent noong isang taon, ang populasyon ng Japan ng mga taong edad 65 pataas.

Ayon sa internal affairs ministry ng Japan, kumpara ito sa second-ranked na Italy na 24.5 percent at sa third-ranked na Finland na 23.6 percent.

Sinabi ng ministry sa isang press release, “Japan has the highest percentage of elderly population in the world.”

Sa loob ng maraming dekada, tumanda ang populasyon ng Japan habang ang mga kabataan ay hindi agad nagsisipag-asawa, at kung mag-asawa naman ay hindi agad nag-aanak dahil sa hindi matatag na trabaho at kahirapan sa ekonomiya.

Bilang resulta, lumobo ang mga gastusin para sa pag-aalaga ng matatanda habang hindi na sapat ang bilang ng mga kabataan upang punan ang mga trabaho.

Ayon sa ministry, ngayong ang baby boomer population ay nasa edad 75 na at pataas, ang 124.4 milyong populasyon ng Japan ay patuloy sa pagtanda.

This photo taken on June 28, 2023 shows players from the senior over 70s Fuwaku rugby team taking part in a training session at the Fukasawa Multi-Purpose Sports Plaza in Kamakura, Kanagawa prefecture.(Photo by KAREN HAIBARA / AFP)

Humigit-kumulang 12.59 milyong katao ang 80 anyos na o mas matanda pa, habang 20 milyon naman ang 75-anyos pataas.

Dahil dito, ang Japan ngayon ay umaasa na sa isang “elderly labour force.”

Mahigit sa siyam na milyong matatanda ang nagtatrabaho, katumbas ng 3.6 percent ng workforce, o isa sa pitong trabahador sa Japan.

Isangkatlo o 1/3 ng lahat ng mga matatanda sa Japan ay may trabaho, mas mababa sa 36.2 percent ng South Korea, pero higit na mataas kaysa ibang developing countries gaya ng Estados Unidos sa 18.6 percent, at France sa 3.9 percent.

Mahigit 1/3 ng mgs Hapones na nasa pagitan ng edad 70-74 ay may trabaho sa Japan, ayon sa data.

Pagdating ng 2040, ang matatandang populasyon ng Japan ay hinuhulaang aabot sa 34.8 percent ng kabuuang populasyon.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *