Isa sa sampung Pinoy na may edad anim hanggang dalawampu’t apat , out of school youth – APIS
Isa sa bawat sampung Pilipinong edad anim (6) hanggang dalawampu’t apat (24) ay out of school -youth.
Batay ito sa 2016 annual poverty indicators survey o APIS ng Philippine Statistics Authority o PSA.
Lumabas sa 2016 APIS na 3.8 million ang out of school youth sa bansa o sampung (10) porsyento ng tatlumpu’t siyam (39) na milyong Pinoy na edad 6 hanggang 24.
Sa naturang bilang, mas marami ang babae kumpara sa mga lalaki.
Karaniwang rason ng mga hindi na nagtuloy sa pag-aaral ay maagang pag-aasawa, mataas na matrikula at kawalang interes sa edukasyon.
Sa buong bansa, 53 percent ng mga out of school youth ay kabilang sa mga pinakamahirap na pamilya.