Isandaang katao nasaktan sa ‘student clash’ sa Bangladesh kaugnay ng job quotas
Hindi bababa sa 100 ang nasaktan, nang magkasagupa ang ang magkalabang grupo ng mga estudyante sa Bangladesh, kaugnay ng mga protesta tungkol sa quota sa mga trabaho sa gobyerno.
Ayon sa mga pulis at mga nakasaksi, daan-daang anti-quota protesters at mga estudyanteng sumusuporta sa ruling Awami League party ang ilang oras na nagkasagupa sa campus ng Dhaka University, kung saan gumamit ang mga ito ng mga bato, sticks at iron rods.
May ilan na may dala pang palakol, habang ang iba ay naghagis ng petrol bombs.
Kuwento ng local police station chief na si Mostajirur Rahman, “They clashed with sticks and threw rocks at each other.”
Sinabi naman ng police inspector na si Masud Mia, “Around 100 students including women were injured, and had been taken to hospital. More people are coming.”
Sa quota system ay nakareserba ang mahigit sa kalahati ng “well-paid civil service posts” na katumbas ng daang libong trabaho sa gobyerno, para sa isang tiyak na grupo na kinabibilangan ng anak ng mga bayani mula sa nangyaring 1971 Pakistan liberation war.
Una na ring naglunsad ng mga protesta ang mga estudyante sa unang bahagi ng buwang ito, at humihingi ng isang merit-based system.
Nagpatuloy ang mga ito sa kabila ng ginawang pagsuspinde ng Bangladesh top court sa quota scheme.
Isinisi ng anti-quota protesters sa ruling party students ang nangyaring karahasan.
Ayon sa mga kritiko, ang makikinabang sa sistema ay ang mga anak ng pro-government groups na sumusuporta kay Prime Minister Sheikh Hasina.
Noong Enero ay nagwagi ang 76-anyos na si Hasina para sa ika-apat na magkakasunod na general election, sa isang halalan na walang lehitimong opposition parties dahil na rin sa ipinairal niyang major crackdown laban sa kaniyang political opponents, na ibinoykot ang eleksiyon.
Ayon sa mga pulis, daan-daang mga estudyante mula sa ilang private universities na sumisigaw ng anti-quota slogans ang lumahok sa protesta sa Dhaka, na naging sanhi upang maantala ang daloy ng trapiko malapit sa US embassy sa loob ng mahigit sa apat na oras.
Sinabi ni deputy police commissioner Hasanuzzaman Molla, “Some 200 students squatted and stood on the road.”
Pahayag naman ng isa sa nagpo-protestang mga estudyante ng Dhaka University na ayaw magpabanggit ng pangalan, “This is unacceptable. We want a reform of the quota system so that meritorious students can get a fair chance.”
Bumangon din ang mga karahasan sa isinagawang protesta sa Chittagong City, ang ikalawang siyudad sa Bangladesh.
Sinabi ng organiser na si Khan Talat Mahmud Rafy, “Two fellow protesters were injured. Dozens of Chhatra League activists attacked one of our processions.”
Hinihingi rin ng mga nagpoprotestang estudyante, na ang mga quota na sumusuporta sa ethnic minorities at disabled people o anim na porsiyento ng trabaho, ay dapat na manatili.
Ang Bangladesh ay isa sa pinakamahirap na mga bansa sa buong mundo nang makamit nito ang kalayaan noong 1971, subalit lumago ito sa average na mahigit sa anim na porsiyento kada taon simula noong 2009.
Ngunit ang malaking bahagi ng paglago ay dahil sa ‘female factory workforce’ na nagpalakas sa garment export industry ng bansa, at ayon sa mga ekonomista mayroong malubhang krisis sa trabaho para sa milyun-milyong university students.