Isang 12-anyos na evacuee, nagpositibo na rin sa COVID-19 – DOH
Nagpositibo rin sa COVID-19 ang isa sa 30 close contact ng unang kaso ng virus sa evacuation center sa Albay.
Sa isang pahayag, sinabi ng Department of Health (DOH) – Bicol na batay na rin ito sa ginawang contact tracing at swabbing noong June 19.
Nagpositibo sa RT PCR test ang nasabing close contact ng unang kaso ng COVID-19 sa Brgy. Gabawan Evacuation Camp.
Hindi man nakitaan ng sintomas ang 12 anyos na lalaking na-infect ngunit ito ay in-isolate.
Inaalam na ng Local Epidemiology and Surveillance Unit kung may karagdagang close contacts ang nasabing pasyente.
Matapos makapagtala ng COVID cases sa evacuation camp, agad namang nagsagawa ng bakunahan laban sa virus ang DOH-Bicol sa lahat evacuation center sa Albay.
Hinikayat din nila ang mga residente na hindi pa bakunado o kulang ang booster shots na magpabakuna na.
Ang mga nasa evacuation sites pina-alalahanan namang sumunod sa minimum public health standards para maiwasan ang paglaganap ng COVD-19 at iba pang sakit.
Kung makaranas naman ng sintomas tulad ng lagnat, ubo, sipon, sore throat at iba pa, nagpayo ang DOH na agad na magpakonsulra sa medical stations kung nasa evacuation center o pinaka-malapit na pagamutan kung nasa labas.
Madelyn Moratillo