Isang 65 at 54 years old nagtapos ng Alternative Learning System o ALS sa Mariveles, Bataan
Isa ang 65-anyos na si Gilda Rarama, sa 608 mag-aaral ng Alternative Learning System o ALS, na nagtapos ng high school sa Mariveles, Bataan.
Ayon kay nanay Gilda, 17-anyos pa lamang siya nang mag-asawa at nagkaroon sila ng 13 anak. Bagama’t namatay sa aksidente ang 2 nilang anak , naitaguyod nilang mag-asawa at nabigyan ng maayos na buhay ang kanilang mga anak, mula sa kita ng maliit nilang patahian. Subalit nitong magka pandemya ang kanyang mister ay namatay .
Magkagayunman, hindi naging hadlang kay nanay Gilda ang kaniyang edad para hindi makapagtapos ng high school. lalo pa nga at pangarap talaga niya na ipagpatuloy ang pag-aaral hanggang kolehiyo.
Samantala, Ito rin ang pangarap ng 54-anyos na si Lolita Mendoza, na kasama sa nagtapos ng high schools sa ALS.
Sa kabila ng kahirapan ay naitaguyod nilang mag-asawa ang pag-aaral ng apat nilang anak, kung saan ang isa ay nagtapos ng teacher, ang isa ay I.T., habang nasa abroad naman ang isa at mekaniko naman ang isa sa isang bus company.
Nagpasalamat ito sa ALS dahil sa kabila ng kanyang edad ay natupad ang kanyang pangarap na makapagtapos ng high school.
Ang Alternative Learning System o ALS ay isang parallel learning system sa bansa na nagbibigay ng pagkakataon sa mga out-of-school youth and adult na magkapag-aral at magkaroon ng basic at functional literacy skills, at maging daan para makumpleto ang kanilang basic education.
Larry Biscocho