Isang 96-anyos, unang nakatanggap ng bakuna para sa COVID-19 sa Spain
MADRID, Spain (AFP) — Isang 96-anyos na naninirahan sa isang care home sa central Spain, ang kauna-unahang tao sa nasabing bansa na binakuhana laban sa COVID-19 nitong Linggo, sa isang event na ipinalabas sa national television.
Habang nakangiti matapos mabakunahan, ay sinabi ni Araceli Rosario Hidalgo na wala siyang naramdaman.
Matapos mabakunahan, ang pensioner na naninirahan sa Los Olmos retirement home sa Guadalajara, ay marahang tumayo matapos isuot ang kaniyang black jacket at naglakad palayo gamit ang isang frame bilang pangsuporta.
Si Hidalgo ay sinundan ni Carer Monica Tapias bilang pangalawang Spaniard na nakatanggap ng Pfizer-BioNTech vaccine.
Ayon kay Spanish Prime Minister Pedro Sanchez, sina Araceli at Monica ay kumakatawan sa panibagong hakbang na puno ng pag-asa.
Ang Los Olmos ay napili para sa pagsisimula ng pagbabakuna sa vaccination campaign sa Spain, dahil ito ay malapit sa isang Pfizer storage depot, kung saan idineliver ang mga bakuna galing Belgium nitong Sabado, bago ang nationwide distribution.
Wala namang kaso ng COVID-19 na naitala sa kalipunan ng staff o mga residente ng Los Olmos.
Matapos aprubahan ng European Medicines Agency (EMA) ang Pfizer-BioNTech vaccine noong nakaraang Lunes, nabuksan na ang daan para simulan ang pagbabakuna sa 27-member bloc.
Target ng Spain na mabakunahan ang hanggang 20 milyong katao hanggang June, na ang initial target ay 2.5 million sa katapusan ng Pebrero.
Magiging prayoridad ang mga taong nasa “elevated risk o very exposed” gaya ng care home residents at medical staff.
Sa ilalim ng kasunduan ng EU, kasama ang Spain para makatanggap ng 140 million doses, sapat para mabakunahan ang 80 milyong katao na halos doble ng kanilang populasyon.
Ayon sa health ministry, ang mga extra dose naman ay mapupunta sa mga kalapit na bansa na mangangailangan nito.
Isa sa European countries na pinakagrabeng tinamaan ng pandemya ang Spain, na nakapagtala ng 1.8 million cases at halos 49,000 na ang namatay.
© Agence France-Presse