Isang bayan sa Argentina, sinalakay ng mga parrot
Dinagsa ng libu-libong mga parrot ang bayan ng Hilario Ascasubi sa Argentina.
Nawalan ng suplay ng kuryente sa lugar matapos nilang tukain ang mga kable ng kuryente, nagkalat din sila ng kanilang mga dumi at tila sinubok ang pasensiya ng mga residente dahil sa nilikha nilang ingay.
Paliwanag ng mga biologist, ang pagsalakay ng mga parrot ay resulta ng deforestation sa mga nakapaligid na mga burol sa nabanggit na bayan.
Screen grab from Reuters
Sa nakalipas na mga panahon, ay dinagsa rin ng mga parrot ang Hilario Ascasubi, noong panahon ng taglagas at taglamig sa paghahanap ng makakain at mapagkakanlungan.
Sinabi ng mga taga-roon, na may mga panahon na umaabot sa sampung parrot para sa bawat 5,000 mga residente ang dumarating.
Local radio journalist Ramon Alvarez / Screen grab from Reuters
Ayon sa local radio journalist na si Ramon Alvarez, “These parrots create daily costs and problems for us. The parrots bite and damage cables, letting water get in when it rains. It goes without saying that when the power goes out, there is no radio.”
Kuwento ng mga residente, sinubukan nilang itaboy ang mga ibon sa pamamagitan ng ingay, laser lights at iba’t iba pang pamamaraan, ngunit walang nangyari.
Sinabi ni Daiana Lera, isang biologist sa National University of the South sa Argentina, na malaking bahagi ng kagubatan ang unti-unti nang nauubos sa pagdaan ng mga taon.
Daiana Lera, a biologist from National University of the South in Argentina / Screen grab from Reuters
Aniya, tinatayang apat na porsiyento ng kagubatan sa timog ng lalawigan ng Buenos Aires ang nawawala taun-taon, na nagiging sanhi upang ang mga parrot ay mawalan ng mapagkukunan ng pagkain at mapagkakanlungan, kaya’t lumalapit sila sa mga siyudad para makakain, makainom at makasilong.
Aniya, “Burrowing parrots depend almost exclusively on the hillsides. Historically, they have fed on the food resources provided by this environment.”
Screen grab from Reuters
Dagdag pa niya, “Currently, the hillsides are disappearing. In the immediate future, natural environments need to be restored. But until that happens, people will need to think of ways to live harmoniously with the colorful birds.”