Isang BPO company sinampahan ng tax evasion case sa DOJ ng BIR
Nahaharap sa patung-patong na reklamong tax evasion sa DOJ ang isang business process outsourcing company sa Pasig City dahil sa kabiguan na magbayad ng buwis na aabot sa halos 30 milyong piso.
Partikular na kinasuhan ng BIR ang S & L Services Incorporated, ang CEO at Presidente nito na si Ariel Altaras at Treasurer na si Christina Zapanta Arevalo.
Batay sa imbestigasyon ng BIR ang kumpanya ay naka-enroll sa Electronic Filing and Payments System ng kawanihan.
Ito ay para mag-avail sa e-filing ng Withholding Tax Compensation at Expanded Withholding Tax.
Ayon pa sa BIR, naghain ang S&L Services mg Withholding Tax Returns on Compensation at Expanded Withholding Tax mula September 2014 hanggang December 2017 gamit ang Electronic Filing system.
Pero nabigo ang BPO company na bayaran ang kaukulang buwis sa iba-ibang tax returns na inihain mula sa mga nabanggit na taon.
Sa ilalim ng patakaran ng BIR, ang mga Electronic filing system payments ay dapat gawin sa parehong araw na inihain ito sa pamamagitan ng e-filing.
Dahil dito, kabuuang 29. 66 million pesos ang hinahabol na tax liability ng BIR sa S& L Services para sa period ma September 2014 hanggang December 2017.