Pagbagsak ng C130 plane sa Sulu, 17 patay, 40 sugatan
Nagpapatuloy ang rescue effort ng Arned Forces of the Philippines sa pinagbagsakan ng isang C130 aircraft kaninang alas-11:30 ng umaga.
Batay sa pinakahuling ulat, 17 ang patay habang nasa 40 ang sugatan at dinala na sa hospital ng 11th Infantry Division sa Busbus, Sulu.
Sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, nasa higit 90 ang pasahero ng eroplano, kung saan 3 mga ito ay piloto at 3 ang crewmen habang ang nalalabing pasahero ay mga military personnel.
Bumagsak ang aircraft sa Barangay Bangkal, Patikul, Sulu pasado alas-11:00 ng umaga kanina.
Naghahatid umano ng mga sundalo ang eroplano mula sa Cagayan de Oro nang maganap ang insidente.