Isang COVID-19 Laboratory, sinuspinde ng DOH; 4 na laboratoryo, isusunod pa
Isang COVID-19 laboratory sa bansa ang sinuspinde ng Department of Health dahil sa non-compliance o kabiguang makapagreport ng resulta ng kanilang mga pinoprosesong swab sample.
Ayon kay Health Undersecretary at Spokesperson Ma. Rosario Vergeire, ang nasabing laboratoryo ay sinuspinde noong Disyembre 29.
Maliban rito, may apat na laboratoryo rin aniya ang nakatakdang patawan ng suspension order dagil din sa pagiging non-compliant sa reporting ng COVID-19 test results.
Kasabay nito, binalaan ng opisyal ang iba pang laboratoryo na bigong makapag sumite ng report sa DOH.
Nakikipag-ugnayan na rin ang DOH sa mga lokal na pamahalan upang makapag-sumite sa tamang oras ang mga laboratoryo.
Ngayong tapos na ang Holiday season, tiniyak naman ni Vergeire na magbabalik na sa full operation ang lahat ng COVID-19 laboratories sa bansa.
Ang deadline sa pagsusumite ng mga laboratoryo ng kanilang report sa DOH ay tuwing hanggang alas-6:00 ng gabi.
Pero may ilang laboratoryo ang hindi nakakasunod rito dahil sa iba’t ibang kadahilanan.
Madz Moratillo