Isang dayuhan na napalaya dahil sa GCTA, nakaalis na ng bansa
May isang dayuhan na nakalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) ang nakaalis na ng bansa.
Sinabi ni Justice undersecretary at spokesperson Markk Perete na nakalabas na ng bansa ang dayuhan dahil sa deportation order.
Hindi naman tiyak ni Perete kung ano ang kaso ng dayuhan.
Nilinaw ni Perete na ang nasabing banyaga ay hindi kabilang sa apat na Chinese drug convicts na napalaya din dahil sa GCTA.
Samantala, inihayag ni Justice undersecretary Deo Marco hindi pa sumusuko ang dalawang iba pang suspek sa Chiong sister rape-slay case na sina James Anthony Uy at Josman Aznar.
Pero batay anya sa feelers ay ngayong linggo susuko ang dalawa.
Sa pinakahuling impormasyon naman na natanggap ng DOJ, umaabot na sa 190 ang mga sumukong preso na maagang nakalaya dahil sa GCTA.
Ulat ni Moira Encina