Isang Election Officer sa Masbate iniimbestigahan Ng Comelec
Iniimbistigahan na ng Commission on Elections ang isa nilang Election Officer sa Aroroy, Masbate.
Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, may kaugnayan ito sa insubordination ni Election Officer Magdie Moran at hindi pagsunod sa utos ng En Banc na kanselahin ang Certificate of Candidacy ng isang kandidato sa pagka-Chairman ng Barangay Cabas-an.
Ito ay dahil dahil hatol sa kasong kinaharap nito sa Korte sa Masbate City.
Ayon sa Comelec, nagpadala pa ng memorandum si Moran na nagsasabing naipatupad niya ang kautusan.
Pero, hindi naman pala umano inalis sa balota ang pangalan ng kandidato at nanalo pa ang nasabing kandidato.
Nabatid na sinuspinde ang proklamasiyon ng nasabing kandidato.
Ipinadeklara namang Stray Vote ng Comelec En Banc ang botong nakuha ni Aniano Capinig.
Ang kandidato namang nakakuha ng pangalawang pinakamaraming boto sa ginanap na BSKE sa nasabing barangay ang ipinadedeklarang nanalo sa halalan.
Madelyn Villar- Moratillo