Isang empleyado ng DPWH na nagtrabaho sa PICC conversion bilang Quarantine facility nasawi dahil sa Covid 19
Positibo sa Covid-19 ang isang nasawing empleyado ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at kasama sa mga nagtrabaho sa pagsasaayos ng convertion ng PICC bilang Quarantine facility.
Ayon kay Build, Build, Build Committee Chairman Anna Mae Lamentillo, batay sa resulta ng pagsusuri ng Research Institute for Tropical Medicine ay kumpirmadong may Covid-19 ang namatay na empleyado.
Matatandaan na nasawi ang empleyado noong April 19, 2020.
Dahil dito ay sumailalim sa preventine/self quarantine ang ilang mga DPWH official at mga empleyado na kasama sa mga nagtrabaho sa PICC quarantine facility.
Sinabi ni Lamentillo na “cleared” na siya sa Covid-19.
Pero patuloy na naka-self quarantine hanggang May 7, 2020 sina DPWH Sec. Mark Villar at DPWH-NCR Director Ador Canlas, na kapwa personal na nag-iinpeksyon noon sa kasagsagan ng conversion ng PICC bilang quarantine center.
Tiniyak naman ng DPWH ang tulong sa pamilya ng mga empleyado nila na nasawi dahil sa Covid-19.
Ulat ni Madz Moratillo