Isang FB page, kinasuhan ng cyber libel at child abuse ng isang kandidato sa QC
Nagsampa ng mga kasong cyber libel at child abuse ang isang kandidato sa pagka-kongresista ng 5th district ng Quezon City laban sa mga nasa likod ng Facebook page na “Boses ng Bayan ng QC” dahil sa umanoy malisyoso at mapanirang pahayag na ipinost nito laban sa kanya.
Sa kanyang 23-pahinang affidavit na isinampa sa National Bureau of Investigation (NBI), hiniling ng negosyanteng si Rose Lin ng Quezon City na tukuyin kung sino ang taong nasa likod ng “Boses ng Bayan ng QC” FB account kung saan sa isang post nito noong Nobyembre 6, 2021 ay isinasangkot nito ang kanyang asawa sa operasyon ng droga na aniya’y tuwirang paninira sa kanyang reputasyon bilang isang mabuting mamamayan at miyembro pa ng business community.
Nilabag aniya ng “Boses ng Bayan ng QC” ang Article 353 at 355 ng Revised Penal Code, kaugnay ng Republic Act No.10175 na kilala rin bilang Cybercrime Prevention Act of 2012 at RA 7610 o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.
Batay sa reklamo, noong November 6, 2021 ganap na 12:120 PM, isang Facebook post/status ang na-upload sa page ng “Boses ng Bayan ng QC” na pinamagatang “BOMBSHELL – DRUG MONEY FINANCING MALAYANG QC?’
. “The content of the Facebook post indeed contains malicious speeches that tend to dishonor and discredit my established reputable name, not just in the city I reside (Quezon City) but also in the whole country and the world who has the access to Facebook, whether or not he or she is using a Facebook account,” pahayag ni Lin sa affidavit nito.
Sinabi ni Lin na ang sa nasabing FB post ay pinangalanan ang kanyang asawang si Lin Wei Xiong bilang Allan Lim, “bagamat sa katunayan at sa katotohanan, ang kanyang iba pang pangalan ay Jeffrey Lin lamang.”
“Malinaw, ito ay isang maling representasyon na ginawa na may masamang hangarin upang ikonekta ang aking pangalan sa isang Allan Lim na hindi ko kilala,” sabi pa nito sa kanyang affidavit.
“There is no documents or proof to show that Lin Wei Xiong and Allan Lim are one and the same. This is manufactured statement to blacken the reputation of my husband, and therefore, mine as well,” dagdag pa ni Lin.
Itinanggi rin ni Lin ang akusasyon ng “Boses ng Bayan ng QC” na ang kanyang asawa ay naipit sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa imbestigasyon ng mga anomalya ng Pharmally Pharmaceutical Corporation hinggil sa sobrang presyo ng mga medical supplies para sa Department of Health (DOH) noong nakaraang taon base sa report ng Commission on Audit (COA).
“During the Senate Blue Ribbon Committee probe, I repeatedly clarified that my husband, Lin Wei Xiong, is NOT Allan Lim. This was taken into account and was noted during the hearing,” paliwanag ni Lin.
Idinagdag din niya na-cleared na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang kanyang asawang si Lin Wei Xiong sa lahat ng mga kaso na isinampa laban sa kanya.
“Considering that the content-writer of this Facebook page claims that my husband and Allan Lim are the same person, this is clearly an imputation of a crime as he was saying that my husband is a drug lord. My husband Lin Wei Xiong has already been CLEARED by the PDEA of any drug charges. It also clarified that he is not the same person charged,” dagdag pa nito.
Naniniwala ang abogado ni Lin na malinaw na nilabag ng “Boses ng Bayan ng QC” ang batas ukol sa Cyber Libel dahil lahat ng elemento nito ay nasa artikulo ng nasabing FB page.
“Ill will on the part of the repondent may be inferred especially because I am running for a public position in our city – a congressional seat in District 5 of Quezon City, thus I am subject to public scrutiny,” pahagay ni Lin sa affidavit.
Idinagdag pa ni Lin na nilabag rin ng “Boses ng Bayan ng QC” ang Child Abuse Law nang ilathala nila ang mga larawan ng kanyang mga anak, na mga menor de edad sa oras ng paglalathala nito.
“ The author has committed violation of RA No.7610 because he/she posted a picture of my children alongside his malicious post. This content-writer subjected the innocent kids to a bad light which he himself made,” ayon pa kay Lin.