Isang health worker na nabakunahan kontra COVID-19 nasawi
Sa ikatlong linggo ng Vaccine roll out ng gobyerno, isang healthcare worker na nabakunahan kontra COVID-19 ang nasawi.
sa isang statement sinabi ng Department of Health na ang nasabing Healthcare worker ay nasawi nitong Marso 15.
Ayon sa DOH ang nasabing health worker ay nagpositibo rin sa COVID- 19.
Kaugnay nito, agad namang nasagawa ng imbestigasyon ang regional at national Adverse Events Following Immunization committee.
Matapos ang kanilang imbestigasyon, lumilitaw na wala umanong kinalaman sa bakuna ang pagkasawi ng nasabing Health worker.
Ang dahilan umano ng pagkasawi nito ay dahil sa COVID- 19.
Hindi naman tinukoy ng DOH kung anong bakuna ang itinurok sa nasabing health worker.
Binigyang diin rin ng DOH na ang COVID-19 vaccines ay hindi nagdudulot ng COVID-19.
Ayon sa DOH at Food and Drug Administration, ang mga bakuna ay solusyon para matapos na ang COVID- 19 pandemic.
Pero kahit naman nabakunahan, dapat sumunod parin sa minimum public health standards kontra COVID-19.
Matatandaang bago pa nagsimula ang pagbabakuna, pinaalalahanan na ng mga eksperto ang publiko na kahit nabakunahan na ay walang kasiguruhan na hindi na mahahawa sa virus.
Madz Moratillo