Isang hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf, arestado ng NBI sa QC

Hinuli ng mga tauhan ng NBI- Counter Terrorism Division ang hinihinalang miyembro ng grupong Abu Sayyaf sa isang operasyon sa Culiat, Quezon City dahil sa mga kasong kidnapping at serious illegal detention.

Kinilala ng NBI ang inaresto na si Albazir Abdulla alyas Abu Saif.

Nakatanggap ng impormasyon ang NBI ukol sa isang Abu Saif na sinasabing sangkot sa Golden Harvest Plantation kidnapping noong 2001 na namataan sa Metro Manila.

Ayon sa NBI, tinukoy ng isang victim-witness si Abu Saif bilang isa sa mga miyembro ng ASG at isa sa mga abductors sa insidente.

Kaugnay nito, nagsagawa ng casing at surveillance operations ang NBI sa pakikipag-ugnayan sa AFP.

Noong Setyembre 10 ay nagtungo ang NBI sa target area sa Salam Compound sa Culiat kung saan nadakip si Abu Saif na natukoy kalaunan na si Abdulla.

Si Abdulla ang ikalawang miyembro ng ASG na naaresto ngayong taon ng NBI.

Moira Encina

Please follow and like us: