Isang kawani ng Pasay RTC, inaresto ng NBI dahil sa pagtanggap ng P6 milyong suhol
Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang empleyado ng Pasay City Regional Trial Court Branch 108 dahil sa pagtanggap ng P6 milyong suhol mula sa litigant kapalit ng paborableng desisyon sa kasong sibil.
Sa pahayag na inilabas ng Korte Suprema, sinabi na batay ito sa natanggap ng Office of the Chief Justice na preliminary report mula sa NBI.
Batay sa report, itinuro ng inarestomg court employee ang presiding judge na nag-utos sa kaniya na kunin ang salapi.
Inatasan na ni Chief Justice Alexander Gesmundo si Court Administrator Raul Villanueva na magsumite ng ulat at rekomendasyon sa insidente.
Moira Encina