Isang kolehiyo at siyam na ibang korporasyon at negosyante, sinampahan ng tax evasion complaint sa DOJ
Nahaharap sa reklamong tax evasion sa DOJ ang 10 korporasyon at negosyante mula sa Caloocan City, Valenzuela City, at Bulacan dahil sa hindi pagbabayad ng buwis na aabot sa halos Php780 million.
Kabilang sa sinampahan ng reklamo ng BIR sa DOJ ang College of Saint Anthony sa San Jose Del Monte, Bulacan at ang presidente nito na si Enrique Coralejo dahil sa tax liability na mahigit Php3.98 million mula June 2015 hanggang May 2016.
Inireklamo rin ng BIR ang Gravanne Trade Incorporated at ang walong negosyante na kinilalang sina JEFFREY SON HUNG ng JEFFREYSON TRADING; LEONIDES LIBUNAO LIGON ng JADED GREEN MARKETING; MARY JANE TEVES ROXAS; LEONY ALCANTARA RAMOS ng ARK KING ENTERPRISES; EDGAR PATINO PENGSON ng KAYRAWAN ENTERPRISES; ROBERTO CLEOFAS IMATONG; EDMUND CHUA LIM; at EDILBERTO CONTRERAS DE VERA.
Pinakamalaki sa hinahabol na buwis ng BIR ay sa negosyanteng si Ligon na mahigit Php330.9 million at sumunod ang sa Gravanne Trade na Php117.2 million.
Ayon sa BIR, tuluyan na nilang kinasuhan ang mga respondents dahil sa kabiguan na bayaran ang matagal na nilang tax deficiency sa kabila ng paulit-ulit na abiso at demand sa mga ito.
Moira Encina