Isang lalaki naaresto sa buy-bust operation sa Biñan City, Laguna
Arestado ang isang lalaki sa isinagawang buy-bust operation na pinagsanib ng PDEA at personnel ng Intel – Drug Enforcement Unit (DEU) sa Halang , Bgy. Canlalay, Binan City, Laguna.
Ang suspek ay kinilala na si Royce P. Baal, 34 anyos , residente ng Halang, Bgy. Canlalay ng nasabing syudad.
Sa isinagawang operasyon , nagpanggap ang isang arresting officer na poseur buyer sa tulong ng isang confidential informant na bumili ng isang pirasong heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman na hinihinalang shabu galling sa nasabing suspek.
Sa pre-arranged signal ng mga operatiba ay agarang inaresto ang suspek at nakumpiska sa kanyang pag-iingat ang apat na pirasong heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman na hinihinalang shabu at isang 5 hundred peso bill na ginamit bilang marked money.
Ang marka at mga pirasong mga kumpiskadong ebidensya na umabot sa timbang na 1.59 grams na may street value sa halagang 4 thousand pesos ay isinagawa kung saan nangyari ang insidente at pinatunayan ito sa harapan ng bgy. Kagawad ng nasabing barangay at media representative.
Kasalukuyang nakakulong si Baal sa Custodial Facility ng Binan City Police Station at nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 and 11 ng Article ll , Republic Act 9165 ( Dangerous Drugs Act of 2002)
Ulat ni Wilson Palima