Isang lawyer’s organization nagpahayag ng pangamba sa isyu ng pagiging “warrant factories” ng ilang korte
Dapat daw na maging maingat ang mga hukom sa paglalabas ng search warrants.
Ito ang inihayag ng Philippine Bar Association kaugnay sa ulat ng sinasabing pagiging “factory of warrant” ng isang korte dahil sa mga inisyung search warrants laban sa mga aktibista
Ayon sa grupo, ang hukuman ang shield o sanggalang dapat ng mamamayan laban sa mga unwarranted searches at seizures.
Giit ng mga abogado, dapat lang magpalabas ng search warrant kapag nadetermina ng judge na mayroong probable cause batay sa pagkilatis nito sa mga reklamo at salaysay ng mga testigo.
Tiwala naman ang lawyers’ organization na mananatiling mapagmatyag ang Korte Suprema at patuloy na babantayan ang constitutional rights ng mga mamamayan.
Una nang nanawagan ng imbestigasyon ang militanteng kongresista sa Korte Suprema sa pag-iisyu ni Quezon City RTC Judge Cecilyn Burgos-Villavert ng mga search warrants na pinagbatayan sa serye ng mga raids ng pulisya at nagresulta sa pagkakaaresto ng ilang aktibista.
Moira Encina