Isang logistics firm na pagmamay-ari ng political donor na humihingi ng kontrata sa Comelec, pinaiimbestigahan
Pinaiimbestigahan na sa Senado ang napaulat na paghingi ng kontrata sa Commission on Elections ng isang logistics firm na pagmamay-ari ng isang political donor.
Naghain na si Senador Leila de Lima ng Senate Resolution no. 855 para matiyak na hindi mababahiran ng pandaraya o anumang iregularidad ang eleksyon sa May 2022.
Tinukoy ng Senador ang report ng Bids and Awards Committee ng Comelec kung saan inaprubahan ang 1. 61 billion na proyekto para sa pagdedeploy ng equipment tulad ng form supplies at iba pang election paraphernalia.
Sinabi ng Senador na dapat matiyak na hindi mababahiran ng conflict of interest at dapat walang supplier na konektado sa sinumang pulitiko ang lalahok sa mga kontratang may kinalaman sa pagdaraos ng eleksyon.
Part of Sen. De Lima’s Resolution:
“There is a need to avoid any semblance of conflict of interest and ensure that no supplier that participated in partisan political activities should be awarded with contracts connected to the conduct of our national and local elections. De Lima, a fearless critic of Duterte”.
Meanne Corvera