Isang Makati-based shareholder sinampahan ng Tax evasion case sa DOJ dahil sa utang sa buwis na 283.34 million pesos
Ipinagharap ng BIR sa DOJ ng reklamong tax evasion ang isang Makati-based shareholder dahil sa hindi nabayarang buwis na 283.34 million pesos.
Ayon sa BIR, bigong maghain ang respondent na si Bernard Ballesta Rabanzo ng income tax return noong 2015.
Nabatid pa ng BIR na hindi naghain ng kahit anomang tax return si Rabanzo mula 1996 hanggang 2016 maliban sa Annual Income Tax Return noong 2012 kung saan ang idineklara niyang kita ay 78 thousand pesos lang.
Ito ay kahit na si Rabanzo ay may-ari ng iba-ibang fully paid common shares sa Menlo Capital Corporation o MCC.
Batay pa sa record ng BIR Integrated Tax System na inihain ng MRC Allied Incorporated, may compensation income si Rabanzo na 1.34 million pesos noong 2014 at 1.46 million pesos noong 2015.
Ulat ni Moira Encina