Isang mayor sa Metro manila , inalisan ni Pangulong Duterte ng karapatang magdistribute ng financial assistance sa panahon ng ECQ
Ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pamamahagi ng cash assistance sa mga kuwalipikadong residente ng National Capital Region o NCR sa panahong umiiral ang Enhanced Community Quarantine o ECQ.
Sinabi ng Pangulo na ipinauubaya na sa mga Metro Manila Mayors ang pamamahagi ng financial assistance na naglakahalaga ng 1 libo bawat isa at hindi lalagpas ng 4 na libo kada sambahayan.
Ayon sa Pangulo mayroong isang Mayor sa Metro Manila na hindi niya binigyan ng karapatan na ipamahagi sa kanyang nasasakupan ang cash assistance bagkus ang Department of Interior and Local Government o DILG at Department of Social Welfare and Development o DSWD ang mamamahagi.
Inihayag ng Pangulo na hindi organisado ang mga ginagawang hakbang ng tinutukoy niyang Mayor na hindi niya pinangalanan dahil sa halip na akuin ang responsabilidad ay ipinapasa ang sisi sa iba.
Kabuuang 10.8 bilyong piso ang pondong inilaan ng Department of Budget and Management o DBM para sa cash assistance sa mga kuwalipikadong residente ng NCR na tatanggap ng ayudang pinansiyal.
Vic Somintac