Isang milyong bata dumaranas ng malnutrisyon ayon sa DOH
Aminado ang Department of Health na hanggang sa kasalukuyan ay malaking ang malnutrisyon sa bansa.
Ayon kay Health Sec. Paulyn Ubial, batay sa pinakahuling National Nutrition Survey ng Food and Nutrition Research Institute nasa isang milyon ang bilang ng mga batang may acute malnutrition.
Ngunit, nilinaw din ni Ubial na hindi basehan ang kaanyuan o pisikal na katawan upang sabihin kung malnourished o hindi ang isang bata.
Samantala, sa listahan ng 2017 end of childhood index rankings, pang siyam ang Pilipinas sa sampung mga bansa na may pinakamaraming bansot o stunted na mga bata na ang edad ay lima pababa.
Ang stunting ay isang form o uri ng malnutrition dahil ito ang resulta ng pagkakaroon ng pangmatagalang kakulangan sa pagkain ng isang bata.
Binigyang diin naman ng isang nutritionist na hindi kailangang mahal ang pagkaing ihahain kundi mas mahalaga na ito ay tama at balanse.
Pagbibigay diin ng mga nutritionists na mahalagang alam ng mga magulang lalo na ng mga nanay ang mga pagkaing tinatawag na grow foods o mga pagkaing nagpapalaki, go foods o mga pagkaing nagpapalakas at ang glow foods o mga pagkaing nagpapasigla.
Ulat ni: Anabelle Surara