Isang milyong doses ng Sinovac vaccine na binili ng Gobyerno, dumating na sa bansa
Sinalubong ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdating ng mga Sinovac anti-Covid vaccine ngayong araw.
Ang isang milyong doses na mga bakuna ay lulan ng commercial flight mula Beijing, China at lumapag sa Villamor Air Base, Pasay City.
Ito na ang ikatlong shipment ng mga CoronaVac vaccine mula sa Sinovac Biotech Ltd. simula nitong Pebrero ngayong taon.
Matatandaang ang dalawang batch ng Sinovac vaccine ay idinonate ng China at ginamit sa pagsisimula ng Vaccination rollout ng Pilipinas para sa mga Medical frontliners at Healthcare workers.
Ang karagdagang isang milyong bakuna naman na ito ay gagamitin hindi lamang sa mga Medical frontliners kundi pati na rin sa mga Senior Citizen at mga taong may Comorbities.
Inaasahan namang sa third at fourth quarter ngayong taon ay darating ang iba pang mga bakuna na binili ng gobyerno gaya ng Astrazeneca, Moderna at Novavax.
Sinabi ni National Task Force (NTF) Against COVID-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez, Jr. na kapag steady na ang suplay ng mga bakuna ay target nilang mabakunahan ang nasa 500,000 Filipino kada linggo mula sa higit 4,000 vaccination sites sa buong bansa.