Isang milyong Pilipino may Epilepsy ayon sa eksperto, samantala National Epilepsy awareness month ginugunita ng DOH
Ngayong buwang ito ay ginugunita ng Department of Health ang National Awareness month.
Tinatayang aabot sa isang milyong Pilipino ang may epilepsy.
Ang epilepsy ay isang karamdaman sa utak kung saan ang activities ng mga nerve cells ay nagagambala, na nagiging dahilan naman para atakihin o magkaroon ng seizure ang isang taong may epilepsy.
Sa panig naman ng National Council on Disability Affairs ginugunita nila ang National Epilepsy Awareness Week tuwing unang linggo ng bawat taon batay sa Presidential Proclamation No. 230.
Ayon naman sa mga Neurologist, ang epilepsy ay pangalawa sa mga karamdamang madalas na ikonsulta sa kanila, sumunod sa stroke.
Kabilang sa mga sintomas ng epilepsy ay sandaling pagkalito, pagkatulala, hindi makontrol ng paggalaw ng mga braso at binti, at pagkawalang malay.
Ipinapayo ng mga eksperto na huwag mag atubiling kumunsulta agad kapag ang seizure ay lumagpas ng limang minuto, hindi pagbalik ng paghinga o malay pagkatapos ng seizure, may mataas na lagnat at biglang pag atake ng pangalawang seizure.
Ulat ni: Anabelle Surara