Isang NGO, naninindigang wala pang pag-aaral na ligtas ngang kainin ang Golden rice
Mainit na usapin pa rin hanggang sa kasalukuyan kung ligtas ba o hindi ligtas na kainin ang Golden rice.
May mga grupong ipinaglalaban na ligtas kainin ang Golden rice at may malaki umanong maitutulong upang labanan ang Vitamin A deficiency na sanhi umano ng pagkabulag ng maraming Filipino.
Ngunit sa isinagawang environmental forum, binibigyang diin ni Dr. Angelina P. Galang, ang Presidente ng Green convergence.
Dr. Angelina P. Galang:
“But nobody is testing for safety…nobody is testing for the effect on our health…merong gap yan eh …for example ung BT corn, pinag-aaralan nila kung talagang the pest, will be killed by the gene and the BT corn…I think, pinag aralan un sa laboratory ng DOST…pagdating naman a fields, pinag aralan naman ng .DA about as far as the yields is concern…so DA here…DOST…yung interaction ng pest at saka nung BT corn…but safety..wala, walang nag -aaral”.
Pahayag pa ni Dr. Galang, hindi lang Golden rice ang solusyon sa Vitamin A deficiency dahil napakaraming maaaring mapagkunan nito na natural sources na murang mura, tulad daw ng malunggay, kalabasa, kamote at mga tinatawag na lowly vegetables.
Ulat ni Belle Surara