Isang paint company at tatlong korporasyon mula sa QC sinampahan ng tax evasion case ng BIR sa DOJ
Halos 71 million pesos na utang sa buwis ang hinahabol ng BIR sa isang paint company at tatlong korporasyon mula sa Quezon City.
Ang apat ay ipinagharap ng BIR sa DOJ ng reklamong tax evasion.
Una sa sinampahan ng mga paglabag sa tax code ang Ke Ti Coatings Incorporated dahil sa kabiguang magbayad buwis sa pamamagitan ng electronic filing and payment system mula April 2016 hanggang November 2016 na aabot sa mahigit 916 thousand pesos.
Hindi rin pinalagpas ng BIR ang tatlong corporate taxpayers na Ban Gonza Corporation, Hana Construction and Development Corporation at PECC Construction and Industrial at mga opisyal ng mga ito dahil sa di nabayarang buwis na 70.08 million pesos.
Pinakamalaki sa mga ito ay sa Hana Corporation na 63.85 million pesos, sumunod ang PECC Construction na 3.15 million pesos at ang Ban Gonza na 3.07 million pesos.
Ulat ni: Moira Encina