Isang pamayanan na lumubog sa dam, muling lumitaw dahil sa tagtuyot
Isang pamayanan na ilang siglo na ang tanda na lumubog nang itayo ang isang dam sa hilagang bahagi ng bansa noong 1970s, ang muling lumitaw nang bumaba ang lebel ng tubig dahil sa nararanasang tagtuyot sa maraming bahagi ng bansa.
Ang mga guho sa gitna ng Pantabangan Dam sa lalawigan ng Nueva Ecija ay umaakit ng mga turista, kahit na ang rehiyon ay dumaranas ng matinding init.
Sinabi ni Marlon Paladin, supervising engineer para sa National Irrigation Administration, “Parts of a church, municipal hall marker and tombstones began to resurface in March after several months of almost no rain.”
Ito ang ikaanim na pagkakataon na muling lumitaw ang halos 300 taong gulang nang pamayanan mula nang itayo ang isang reservoir upang magbigay ng tubig sa irigasyon para sa mga lokal na magsasaka at makabuo ng hydro-power.
Ayon kay Paladin, “This is the longest time (it was visible) based on my experience.”
Conditions this year have been exacerbated by the El Nino weather phenomenon / JAM STA ROSA / AFP
Ang lebel ng tubig sa reservoir ay bumagsak ng halos 50 metro (164 talampakan) mula sa normal nitong mataas na antas na 221 metro, ayon sa mga figure mula sa state weather forecaster.
Ang Marso, Abril at Mayo ay karaniwang ang pinakamainit at pinakatuyo, ngunit ang mga kondisyon sa taong ito ay pinalala ng El Nino weather phenomenon.
Nasa kalahati ng mga lalawigan sa bansa, kabilang ang Nueva Ecija, ay opisyal na nakararanas ng ‘drought.’
Ang mga turistang gustong malapitan ang mga guho ay nagbabayad ng humigit-kumulang 300 piso ($5.00) sa mga mangingisda, para sa maikling biyahe sakay ng bangka patungo sa temporary island sa gitna ng reservoir.
Si Nely Villena, na nakatira sa munisipalidad ng Pantabangan, ay regular na bumibisita sa isang viewing platform kung saan matatanaw ang dam upang makita ang mga guho.
Sinabi ng 48-anyos na si Villena, “Mas maganda ang view kapag mababa ang lebel ng tubig, kapag mataas ay wala kang makikita kundi tubig.”
Ang aktuwal na temperatura sa Nueva Ecija ay umaabot sa humigit-kumulang 37 degrees Celsius (99 degrees Fahrenheit) sa karamihan ng mga araw sa loob ng isang linggo, na may heat index na mas mataas pa sa “danger” level ng 42C.
Daan-daang mga residente ng nalubog na mga bukirin at mga nayon kung saan naroroon ang dam, ay inilipat ng gobyerno sa mas mataas na lugar.
It is the sixth time the nearly 300-year-old settlement has resurfaced since the reservoir was created / JAM STA ROSA / AFP
Ang 68-anyos na si Melanie Dela Cruz, ay teenager pa lamang nang puwersahan silang paalisin sa kanilang tahanan. Ngayong taon ay bumalik siya sa lugar sa unang pagkakataon.
Sinabi ni Dela Cruz, “Naging emosyunal ako kasi naalala ko ang dati kong buhay dito. Napupuspos ang puso ko kasi dito ako nag-aral, at ipinanganak.”
Dahil sa bumabang lebel ng tubig, kaya napilitang tumigil sa operasyon ngayong buwan ang dalawang hydropower plants malapit sa dam, mas maaga kaysa normal nitong pagsasara sa May 1.
Napagkaitan din ang maraming magsasaka ng palay ng kinakailangang tubig para sa irigasyon, kaya napilitan ang ilan na lumipat sa pagtatanim ng mga gulay, na nangangailangan ng mas kaunting tubig.
Ayon kay Dela Cruz nananalangin siya na umulan bagama’t nangangahulugan iyon na muling mawawala sa kaniyang tingin ang dati nilang tahanan.
Aniya, “Lubhang kailangan ng mga magsasaka ng tubig para sa kanilang bukirin.”