Isang Pharmaceutical company at isang drug store chain, pinagbawalan ng FDA na magsagawa ng immunization activity vs. dengue
Pinatitigil ng Food and Drug Administration ang isang pharmaceutical company at isang drug store chain sa pagsasagawa ng immunization activities.
Magugunitang, mainit pa rin ang usapin tungkol sa bakuna laban sa dengue na tinawag na Dengvaxia.
Ayon sa FDA, hindi nila pinahihintulutan ang alinmang drug store na magsagawa ng anumang immunization activity lalo na ang pagbabakuna laban sa dengue.
Binigyang diin pa ng FDA na hindi dapat na magbenta over the counter ng naturang bakuna laban a dengue dahil ito ay itinuturing na prescription drug.
Ulat ni: Anabelle Surara
Please follow and like us: