Isang Filipina sa Israel na kasama mga napaulat na nawawala, nakita na
Natagpuan sa ligtas na lugar ang isang Pilipino na kasama sa mga napaulat na nawawala.
Ito ay batay sa ulat na natanggap ng Department of Foreign Affairs (DFA) mula sa Embahada ng Pilipinas sa Tel Aviv.
Tiniyak naman ng Embahada na patuloy na ginagawa nito ang lahat ng kaparaanan upang mabatid ang kalagayan ng mga nawawala pang mga Pilipino.
“The Embassy confirms that one (1) more of the missing Filipino nationals has been accounted for, a female found in a safe area. Coordinating with Israeli authorities and local contacts, the Embassy is exhausting all available means to ascertain the condition of the still missing Filipinos.”pahayag ng DFA
Pinasalamatan naman ng Philippine Embassy ang mga otoridad sa Israel para sa pagbuwis sa kanilang buhay para masagip at ma-evacuate ang mga Pinoy na naipit sa bakbakan.
“The Embassy is deeply grateful to the Israeli security forces risking their lives to rescue our kababayan caught in the combat areas, as well as to the Israeli emergency services and kibbutz authorities who included Filipino nationals in their evacuation operations.” dagdag pa na pahayag ng Embahada
Moira Encina