Isang “safe” o Kaha de yero, natuklasan ng mga landscaper, pitong taon makalipas itong nakawin
Isang Matthew Emanuel, ang kumuha ng serbisyo ni Bob Foley at ng bago nitong kompanya na Touch the Earth Inc., para palitan ang ilang sira nang puno sa kaniyang likod-bahay at habang naghuhukay ay may natagpuang metal box ang mga ito.
Akala ni Emanuel ay isa itong electricity box, pero napansin niya na may pihitan ito sa gilid kayat nalaman niyang isa iyong “safe”.
Nang buksan niya ito ay nakita niyang puno ito ng mahahalagang mga bagay, gaya ng mga zip bags na may lamang mga cash, mga ginto at mga diyamante.
Si Emanuel at ang kaniyang asawa ay nakakita ng 16,300 US dollars na halaga ng salaping pwede pang magamit, habang ang iba ay sinira na ng tubig na nakapasok sa loob ng safe.
Aniya, nakasaad sa isang piraso ng papel na nakita nila sa loob ng safe na pag-aari ito ng isang dati nilang kapitbahay, kaya pinuntahan nila ang bahay nito para sabihin ang tungkol sa safe.
Ayon sa mag-asawang may-ari ng safe, ninakaw ito noong december 2011 at nawalan na sila ng pag-asang makikita pa itong muli.
==============