Isang Senador lumahok sa kilos protesta ng mga magsasaka sa tanggapan ng Department of Finance
Lumahok si Senador Imee Marcos sa isinagawang kilos protesta ng daan daang magsasaka sa tapat ng tanggapan ng Department of Finance sa Maynila
Iyan ay para igiit ang pagbibitiw nina Finance Secretary Benjamin Diokno at NEDA Secretary
Arsenio Balisacan na kapwa nagsusulong na tapyasan o alisin muna ang ipinapataw na parusa sa mga imported na bigas
Ayon sa mga magsasaka, kung gagawin ito ng gobyerno, maraming lokal na magsasaka ang maaaring tumigil na sa pagtatanim ng palay dahil tiyak na babaha ang imported na bigas.
Ayon sa senador, sinusuportahan niya ang kaniyang mga kababayan at kaibigan sa Norther Luzon na ipinaglalaban ang kanilang mga karapatan
Hindi rin aniya papayag ang kaniyang kapatid na si Pangulong Bongbong Marcos na ibaba ang taripa sa bigas dahil ang bigas ay hindi lang pagkain kundi simbolo sa pagkatao.
“Sigurado ako na hindi ‘yun papayag. Ang nakakatakot lamang, alam natin na ang katapusan ng Kongreso ay bukas. Kapag natapos ang kongreso at nagsara ‘yung senado, ang nakakatakot diyan ay palulusutin ‘yung reduction o ‘di kaya zero tariff na importasyon sa kasagsagan ng anihan. Sobra naman sila. Nag-aani na ang lahat.” pahayag ni Senador Imee Marcos
Meanne Corvera