Isang tren ng LRT-1 nagkaaberya ngayong umaga
Nagka-aberya ang isang tren ng Light Rail Transit o LRT Line 1 na bumabagtas mula Baclaran sa Parañaque hanggang sa Roosevelt sa Quezon City.
Sa abiso nito pasado 9:06 ng umaga, nagkaroon ng isyu sa isa sa mga LRV na agad namang inayos ng technician, sa R. Papa Station Southbound. Dahil dito ay idineklara ang code red o nahinto muna ang biyahe mula Baclaran patungong Roosevelt.
Pero dakong 9:18 ng umaga, sinabi ng LRT line 1 na Green and Go na o balik na sa operasyon ang kanilang 20 istasyon.
Paliwanag naman ni Sweeden Ramirez ng Light Rail Manila Corporatio o LRMC, ang tren na apektado ay talaga namang dadaan sa maintance.
Gayunman, naipon ang mga pasahero sa ilang mga istasyon ng LRT line 1. Ang ibang pasahero, sumakay na lamang sa ibang mode of transportation dahil nainip.
Tiniyak naman ni Ramirez na magpapa-biyahe sila ng skip trains para maserbisyuhan ang kanilang mga pasahero.
Ulat ni Madz Moratillo