Isasampang reklamo laban kay Sen. Trillanes nakabatay sa offensive language nito

Kinumpirma ni Senador Richard Gordon na tuloy ang pagsasampa niya ng reklamo laban kay Senador Antonio Trillanes sa Senate Xommittee on Ethics.

Ayon kay Gordon, nakabatay ang kanilang reklamo sa masama at nakakasirang salita laban sa kanya ni Trillanes.

Ang pahayag aniya ni Trillanes na nag-aabugado at komite de abswelto ay hindi gawain ng isang Senador at labag sa Senate Code of Ethics.

Batay sa code of Ethics hindi lang sa Senado kundi sa anumang public institution, mahigpit na ipinagbabawal ang acts of language na nakaka-offend, unparliamentary o anumang maaanghang na salita.

Itinanggi ni Gordon na nag a-aabugado siya at hinaharang ang patestigo  ng mga anak ng Pangulo na sina Vice Mayor Paolo Duterte at  Atty. Manases Carpio gaya ng alegasyon ni Trillanes.

Iginiit ni Gordon na mismong ang testigo na si Mark Ruben Taguba ang nagsabing hindi personal na nakita o nakausap si Duterte malinaw na walang ebidensyang magdadawit sa kanila sa umano’y smuggling sa Bureau of Customs.

Sakaling makakuha ng sapat na suporta, si Trillanes ay maaring patawan ng suspesyon o mapatalsik bilang Senador.

Ulat ni: Mean Corvera

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *