Isdang tawilis, maaari pang maalis sa listahan ng mga Endangered depende sa Conservation measures ng pamahalaan – BFAR

Welcome para sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang naging pahayag ng isang brand ng sardinas na hihinto mula sila sa paggawa ng mga produktong nagtataglay ng sardinella tawilis at ipu-pull-out ang kanilang mga produkto sa lahat ng mga supermarkets matapos ideklara ang tawilis bilang endangered species.

Ayon kay Bureau of Fisheries ang Aquatic Resources (BFAR) Spokesperson Nacer Brigera, ang mahalaga aniya ay nagpahayag ng mensahe ng pakikiisa ang ilang kumpanya ng sardinas para sa Tawilis conservation.

Hinimok din niya ang ilang mga sardines companies na makipagtulungan para sa kanila para tuluyan nang maalis ang tawilis sa listahan ng mga endangered species.

At mangyayari aniya ito depende sa magiging resulta ng conservation measures ng pamahalaan.

Hindi permanente ang pagkakadeklara na Endangered species ang Tawilis kasi in 3 years time pwede itong ma-delist depende sa magiging resulta ng Conservation measures ng gobyerno”. – BFAR PIO Nacer Brigera

 

===============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *