ISIS emir at ASG leader Isnilon Hapilon nasa Marawi pa, anim sa pitong Maute leader patay na ayon sa Malakanyang

 

Tanging si Omar Maute na lamang sa pitong magkakapatid ang natitirang leader ng teroristang Maute group na nakikipagbakbakan sa tropa ng pamahalaan sa Marawi City.

Ito ang inihayag ni AFP Spokesman Brigadier General Restituto Padilla sa Mindanao Hour sa Malakanyang.

Sinabi ni Padilla ito ang iniulat ni Lt. General Galvez na tumatayong ground Commander ng Task Force Ranao na nagsasagawa ng ground at air assault sa mga teroristang Maute group sa Marawi City.

Ayon kay Padilla nakakuha din sila ng impormasyon na nananatiling nasa loob pa ng battle zone sa Marawi City si ISIS Emir Abu Sayaff Leader Isnilon Hapilon kaya masyadong malakas ang resistance ng mga terorista sa kanilang natitirang stronghold.

Inihayag ni Padilla na nasa humigit kumulang dalampung ektarya ang ginagalawan ng mga teroristang Maute group sa lungsod ng Marawi.

Iginiit ni Padilla na desidido ang tropa ng pamahalaan na tapusin ang giyera hanggang sa maubos ang natitirang miyembro ng Maute group sa Marawi City.

 Ulat ni: Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *