Isko Moreno, naiproklama ng bagong alkalde ng Maynila
Iprinoklama na ng Manila City Board of Canvassers si Isko Moreno bilang nanalong mayor ng Maynila.
Si moreno ay nakakuha ng 357, 925 boto.
Natalo ni Moreno sina Manila Mayor Erap Estrada, dating Mayor Alfredo Lim at limang iba pang kandidato.
147 thousand ang lamang ni Moreno kay Estrada na nakakuha ng 210,605 boto
Itinuturing ni Moreno na goliath of politics sina Estrada at Lim.
Muling nagwagi naman bilang bise alkalde ang running mate ni Mmoreno na si incumbent Vice Mayor Honey Lacuna na mayroong 394, 766 boto
Si moreno ay una nang sumabak sa politika noong 1998 bilang konsehal sa unang distrito ng Maynila at pagkatapos ay naging vice mayor ng Maynila mula 2007 hanggang 2013 at 2013 hanggang 2016.
Nagpasalamat si Moreno sa Diyos at sa lahat ng sumuporta sa kanila.
Isa rin sa mga pangunahin niyang pinasalamatan ang tatay ni Lacuna na si dating Vice Mayor Danny Lacuna na tumulong para siya ay makapagaral at makapagtapos.
Dumalo ang matandang Lacuna na nakawheelchair para saksihan ang proklamasyon ng anak at ni Moreno na kanyang itinuturing na anak.
Aminado si Moreno na malaking hamon ang kahaharapin nila ni Lacuna para maiangat ang antas ng pamumuhay ng mga Manileño.
Nanawagan din si Moreno na ito na ang panahon para magtulungan ang bawat taga-Maynila para makamit ang kanilang pangarap na pag-asenso.
Ulat ni Moira Encina