Island municipality ng Hadji Muhtamad sa Basilan, idineklara nang ASG-free
Binuksan na sa publiko ang “Peace Marker” ng Pamahalaang bayan ng Hadji Muhtamad sa lalawigan ng Basilan, bilang patunay umano na ASG-free na ang kanilang lugar.
Mismong si Brigadier General Alvin Luzon na kumander ng 101st Infantry “Three Red Arrows” Brigade at Basilan Gov. Jim Hataman Saliman ang sumaksi sa deklarasyon na ASG-free na ang munisipalidad, kasabay ng17th Founding Anniversary Hadji Muhtamad o “Adlaw sin Pilas.”
Photo: LGU Hadji Muhtamad
Binigyang diin ni General Luzon ang malaking pag-unlad ng bayan ng Hadji Muhtamad, dahil sa pagtutulungan ng pamahalaang bayan at mga residente sa lugar, na naging daan sa kapayapaan sa buong lalawigan ng Basilan.
Kasabay sa maikling programa, isinuko naman ng LGU Hadji Muhtamad sa militar ang apat na .45 caliber pistols, dalawang .38 caliber revolvers, isang M1 Garand Rifle, isang MAC-10 Submachine Gun, isang Single-Shot Shotgun, at isang M79 Grenade Launcher.
Photo: LGU Hadji Muhtamad
Nagbigay naman ng inspirational messages si Basilan Gov. Jim Salliman-Hataman sa mga residente ng Hadji Muhtamad, kasabay ang pahayag ng papuri dahil sa kanilang katatagan at dedikasyon sa pagtatamo ng kapayapaan.
Ely Dumaboc