Islander plane ng Philippine Coast Guard,idineploy na para magsagawa ng aerial surveillance sa Marikina Rizal at CaMaNaVa
Idineploy na rin ng Philippine Coast Guard Aviation Force ang kanilang BN Islander plane para magsagawa ng aerial surveillance sa Marikina, Rizal, at CaMaNaVa area.
Ayon sa PCG layon nitong makatulong aa nag papatuloy na rescue operations sa mga nasabing lugat at makita ang lawak ng pinsala ng baha dulot ng bagyong Ulysses.
Sa mga oras na ito nasa marikina ang islander plane ng PCG Ayon sa PCG idedeploy na rin nila ang kanilang 2 helicopters para magsagawa naman ng aerial rescue operation.
Hanggang ngayong hapon ay nasa 20 rescue teams na binubuo ng 72 personnels na ang kanilang na ideploy para tumulong sa rescue operations sa mga binahang lugar sa Metro Manila at kalapit lalawigan gaya ng Rizal at Cavite.
Naideploy na rin ng PCG ang 10 rubber boats, 6 na aluminum boats, 11 multipurpose vehicles, at 3 trucks nila para tumulong sa rescue operations. May 5 teams pa ng PCG ang naka standby sa kanilang National Headquarters sakaling kailanganin pa.
Madz Moratillo