Isolation at treatment facility para sa COVID patients, binuksan sa Tagkawayan, Quezon
Pinasinayaan na ng DOH- CALABARZON ang bagong isolation facility sa Maria L. Eleazar General Hospital (MLEGH) sa Tagkawayan, Quezon para sa mga COVID-19 cases.
Ang temporary treatment and monitoring facility na may laki na mahigit 446 square meters ay ginawa at pinondohan ng mahigit Php9.3 milyon sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act ng DOH-CALABARZON.
Mayroon itong five-bed-mild case ward na may toilet and bath, four-bed severe case ward na may ante room with toilet and bath, decontamination room, nurse station with toilet and bath, doffing/donning room, medical supply room at staff pantry.
Bukod sa treatment facility, binuksan na rin ang six-unit modular temporary facility na may isolation rooms with toilet and bath, patients waiting area, consultation room, PWD toilet, doctors’ quarters at staff toilet and bath.
May lawak ito na mahigit 74 square meters at pondong Php2.38 million.
Tiniyak ng DOH CALABARZON na patuloy ang improvement at upgrading ng mga nasabing pasilidad para ito maging level III health care facility na kayang magkaloob ng mga kinakailangang medikal at healthcare services sa lalawigan.
Moira Encina