Israel aagapay sa pagpapaunlad sa dairy sector ng Pilipinas
Makakatuwang ng Pilipinas ang Israel sa pagpapaunlad sa dairy sector ng bansa.
Lumagda ang dalawang bansa sa joint declaration para magsanib puwersa sa pagpapalakas sa dairy industry ng Pilipinas.
Sina Agriculture Secretary William Dar at Israel Ambassador to the Philippines Ilan Fluss ang pumirma sa joint declaration.
Sa ilalim nito, magbibigay ang Israel sa pamamagitan ng agency for international development cooperation nito na MASHAV ng technical assistance at capacity building programs sa dairy sector.
Ayon sa Israel Embassy, ibabahagi ng Israel sa Pilipinas ang best practices nito para sa advanced dairy industry at ipapakilala ang mga pangunahing teknolohiya nito para mapataas ang farm productivity ng bansa.
Alinsunod din sa nilagdaang joint declaration, magkakaroon ng economic partnerships sa pagitan ng Pinoy stakeholders at Israeli agri-food investors upang mapalakas ang local milk industry.
Moira Encina