Israel at Pilipinas paiigtingin ang two-way tourism
Nagkasundo ang Israel at Pilipinas na lalo pang palakasin ang turismo sa pagitan ng dalawang bansa.
Sa pagpupulong nina Israel Tourism Minister Yoel Razvozov at Tourism Secretary Bernadette Romulo- Puyat sa World Travel Market (WTM) sa London, tinalakay ang potensyal at pagpapaigting sa two-way tourism ng Pilipinas at Israel.
Isa sa mga ito ang direct flights sa dalawang bansa na magiging ‘game changer’ sa turismo sa parehong bansa.
Target ng Philippine Airlines na simulan sa Abril sa susunod taon ang direct flights sa Israel.
Noong 2019, umabot sa historic na mahigit 33,000 Pilipino ang bumisita sa Israel habang lagpas 22,000 Israelis ang nagbakasyon sa Pilipinas.
Kampante si Razvozov na dahil sa bagong direct flights ay magkakaroon ng massive boost sa turismo sa pagitan ng Israel at Pilipinas.
Moira Encina