Israel Embassy may libreng health at wellness package para sa mga kababaihan
Inilunsad ng Israel Embassy ang health at wellness advocacy para sa mga kababaihan na “ISHA Project” bilang pagdiriwang sa International Women’s Day.
Ang isha ay ang salitang Hebreo para sa babae.
Sa pamamagitan ng ISHA Project, bibigyan ng libreng health at wellness package ang mga benepisyaryong kababaihan mula sa marginalized sector at women in uniform.
Ang package ay makatutulong sa pag-detect at pag-iwas sa mga sakit ng mga kababaihan sa pamamagitan ng konsultasyon sa OB-GYN specialists, breast examination, at PAP smear sa Makati Medical Center.
Ayon kay Israeli Ambassador Ilan Fluss, napakahalaga ng isyu ng women’s health dahil hindi lahat ay may access sa libreng health services gaya ng marginalized sector.
Katuwang ng Israel Embassy sa proyekto ang
Makati Medical Foundation, Miss Universe Philippines, at ang MASHAV na Agency for Development Cooperation ng Israel.
Moira Encina