Israel Embassy muling nag-donasyon ng handwashing facility sa isa pang paaralan
Sa ikalawang pagkakataon ay nag-donasyon ang Israel Embassy ng handwashing facility sa isa pang paaralan sa bansa.
Ito ay bahagi ng suporta ng Embahada ng Israel sa Brigada Eskwela ng Department of Education (DepEd) at kontribusyon sa pagsusulong sa easy access sa tubig at proper sanitation.
Ang Quirino High School sa Quezon City ang pangalawang recipient ng handwashing facility ng Israel Embassy.
Si bagong Israel Ambassador to the Philippines Ilan Fluss ang nanguna sa unveiling ng handwashing station.
Nagbigay din ng mga copy papers ang embahada sa eskuwelahan para sa printing needs nito.
Ang pagbisita ni Fluss sa Quirino High School ang kanyang unang official function matapos na iprisinta kay Pangulong Duterte ang kanyang credentials bilang Israel Ambassador to the Philippines noong October 20.
Noong nakaraang taon, nagtayo rin ang embahada ng handwashing area sa Makati High School.
Moira Encina