Israel Embassy muling nagpaabot ng pagbati kina President-elect Bongbong Marcos at VP-elect Sara Duterte
Umaasa si Israel Ambassador to the Philippines Ilan Fluss na mas tatatag pa ang ugnayan ng Israel at Pilipinas sa ilalim ng Gobyernong Marcos.
Ito ang mensahe ng Israeli diplomat sa kanyang pagbati kay President-elect Bongbong Marcos Jr. matapos ang proklamasyon nito bilang susunod na pangulo ng bansa.
Nagpaabot din ng pagbati ang ambassador kay Vice- President- elect Sara Duterte sa opisyal nitong proklamasyon.
Tiwala rin si Fluss na mas lalong lalakas ang friendly relations ng dalawang bansa sa ilalim ng pamumuno ni Duterte bilang pangalawang- pangulo.
Hangad din aniya ng Israel ang pagbisita muli ni Duterte sa kanilang bansa bilang bise- presidente.
Una nang tiniyak ng embahada na ipagpapatuloy nila ang close partnerships sa Pilipinas partikular na sa agrikultura, food security, tubig, turismo, innovation & technology, at defense.
Moira Encina