Israel Embassy namahagi ng vegetable kits sa mga kabataan sa San Juan City
Kabuuang 280 vegetable kits ang ipinamahagi sa ibat-ibang pampublikong paaralan sa San Juan City ng Israel Embassy para i-promote ang urban gardening sa mga kabataan.
Ayon kay Israel Ambassador to the Philippines Rafael Harpaz, ang mga vegetable kits ay hihimok sa mga batang henerasyon na magtanim at magpatubo ng sarili nilang pagkain.
Anya ang pagtatanim ay isang masayang aktibidad na pwedeng gawin ng mga kabataan kasama ang kanilang pamilya lalo na’t limitado ang mga ito na manatili sa bahay ngayong pandemya.
Ang urban gardening project ay inilunsad kaalinsabay ng Earth Day 2021.
Katuwang ng Israel Embassy sa proyekto ang San Juan City LGU at MASHAV na international development cooperation sa ilalim ng Ministry of Foreign Affairs ng Israel.
Kabilang sa mga lumahok na eskwelahan ang San Juan National High School Senior High School, San Juan Elementary School, San Perfecto Elementary School, Salapan Elementary School, Pedro Cruz Elementary School, Pinaglabanan Elementary School, West Crame Elementary School, Kabayanan Elementary School, Sta. Lucia Elementary School, at Nicanor Ibuna Elementary School.
Moira Encina