Israel Embassy patuloy na makikipagtulungan sa susunod na administrasyon
Binati ng Israel Embassy ang Pilipinas sa ipinakita nitong demokrasya sa pamamagitan ng isinagawang halalan noong Mayo 9.
Tiniyak ng Israel Embassy na patuloy ito na makikipagtulungan sa susunod na administrasyon ng Pilipinas upang mapalakas ang “friendly historic ties” ng dalawang bansa.
Nais din ng Israel na lalo pang mapaigting ang mga umiiral na partnerships nito sa Pilipinas sa agrikultura, food security, tubig, turismo, innovation & technology, at depensa.
Una na ring nagpaabot ng pagbati kay presumptive President Bongbong Marcos Jr. si Israel Ambassador to the Philippine Ilan Fluss sa kanyang pagka-panalo sa pampanguluhang eleksyon.
Moira Encina